|
||||||||
|
||
Kuala Lumpur — Tinukoy kamakailan ni Najib Tun Razak, Punong Ministro at Ministro ng Pinansya ng Malaysia, na sa epekto ng pagbagal ng kabuhayang pandaigdig, pagbaba ng presyo ng crude oil sa daigdig, at iba pa, inaasahang aabot sa 4% hanggang 4.5% ang paglaki ng Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng kanyang bansa. 4% hanggang 5% naman ang target na paglaki ng kabuhayan sa susunod na taon.
Ani Najib, bagama't nahaharap sa mga hamong gaya ng pagbaba ng presyo ng langis sa daigdig, at paglala ng kapaligirang kabuhayang pandaigdig, nananatili pa ring matatag at malusog ang paglaki ng kabuhayang Malay.
Samantala, idineklara ni Najib na umakyat sa mahigit 62.3 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng financial budget sa taong 2017. Ito aniya ay mas mataas ng 3.4% kumpara sa ini-adjust na financial budget sa 2016.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |