|
||||||||
|
||
Kuala Lumpur — Ipinahayag kamakailan ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia na nakikita na ang inisyal na bisa ng economic transformation plan ng bansa. Aniya, nitong ilang taong nakalipas, unti-unting naisasakatuparan ng pamahalaan ang iba't-ibang plano ng pag-unlad, at ang mga ito ay nagsisilbing pundasyong nagpapatibay sa pambansang kabuhayan.
Ipiangdiinan din niya na bagama't pinuna ang pamahalaan sa maraming aspekto, hindi pa rin nagbabago ang determinasyon nito sa pagbibigay-serbisyo sa mga mamamayan, at pagpapaunlad ng kabuhayan.
Noong taong 2010, isinagawa ng Malaysia ang nasabing plano ng pagbabago ng ekonomiya. Mula noong taong 2010 hanggang 2020, tinatayang makakaakit ang bansa ng mahigit 338.4 bilyong US Dollars na pahunan, at makakalikha ng halos 3.3 milyong trabaho.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |