Sa kanyang talumpating pambagong taon na inilabas nitong Huwebes, Diyembre 31, 2015, ipinahayag ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia na kahit nahaharap ang kabuhayang pandaigdig sa napakaraming hamon, may kompiyansa ang kanyang bansa na maisasakatuparan ang 4% hanggang 5% paglago ng kabuhayan sa taong 2016.
Binigyang-diin niyang noong isang taon, nagpatingkad ang Malaysia ng mahalagang papel sa international political arena. Sa ilalim ng pamumuno ng Malaysia, matagumpay na pumasok sa historical turning point ang ASEAN, at itinatag ang ASEAN Economic Community. Ang ASEAN ang ika-4 na pinakamalaking ekonomiya sa daigdig.
Salin: Vera