Ayon sa poll na ipinalabas kamakailan ng "Kompas," pahayagan ng Indonesya, ikinasisiya ng 61% ng mga mamamayan ng Indonesya ang kasalukuyang pamahalaang pinamumunuan nina Pangulong Joko Widodo at Pangalawang Pangulong Jusuf Kalla.
Ayon din sa poll, natamo ng kasalukuyang pamahalaan ng Indonesya ang maliwanag na bunga sa pakikibaka sa droga, pagpapalaki ng kita ng bansa at iba pang larangan. Tinupad din ng mga lider ang kanilang pangako sa pagpapaunlad ng bansa tungo sa pagiging mas malakas at masagana.
salin:lele