Sinimulan ng Indonesya, Agosto 31,2016 ang pagsasagawa ng dumping investigation laban sa naangkat na produkto ng wire rod steel mula sa Tsina.
Kaugnay nito, tinukoy noong unang araw ng Setyembre, 2016 ng namamahalang tauhan ng Ministring Komersyal ng Tsina na ito ay hindi lamang over protectionism sa industriyang bakal ng Indonesya, kundi makakasama rin sa kaunlarang pangkabuhayan ng bansa.
Ipinahayag ng nasabing namamahalang tauhan na inaasahang ipagpapatuloy ng mga bahay-kalakal sa bakal ng Tsina ang pakikipagpalitan sa kanilang mga Indonesian counterpart, para maayos na lutasin ang mga isyung pangkalakalan. Samantala, umaaasa rin aniya siyang isasagawa ng panig Indones ang mga katugong imbestigasyon, batay sa makatarungan at bukas na prinsipyo, para igarantiya ang lehitimong karapatan at interes ng mga bahay-kalakal ng Tsina.