Binigyan kamakailan ng Ministri ng Komunikasyon ng Indonesya ng construction permit ang buong haba ng Jakarta-Bandung High-Speed Railway, bilang panghalili sa pahintulot na ipinalabas nauna rito para sa 5 kilometrong bahagi ng daambakal na ito.
Ito ay palatandaang pumasok sa bagong yugto ang konstruksyon ng Jakarta-Bandung High-Speed Railway.
Samantala, ipinahayag naman kamakailan ng China Railway Corporation, kompanyang Tsino na kalahok sa proyekto ng naturang daambakal, na sa kasalukuyan, maalwan sa kabuuan ang proyekto. Pero anito, umiiral din ang problema sa ilang aspekto, lalung-lalo na, sa pagtatamo ng mga lupa para sa konstruksyon ng daambakal at mga may kinalamang pasilidad. Hanggang sa kasalukuyan, natamo lamang ang 60% ng kinakailangang lupa, ayon sa naturang kompanyang Tsino.
Salin: Liu Kai