Sa kanyang talumpati sa Yunnan University ng Tsina, sinabi Lunes, Oktubre 24, 2016, ni Wunna Maung Lwin, dating Ministrong Panlabas ng Myanmar na may malalim na pagkakaibigan ang Myanmar at Tsina. Naniniwala aniya siyang lalong magiging mabisa ang kooperasyon ng dalawang panig sa pulitika, kabuhayan, kalakalan at kultura.
Ipinahayag pa niya, na ang Myanmar ay lunduan na nag-uugnay ng Timog-silangang Asya at Timog Asya sa lupa, at sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative na pinapasulong ng Tsina para sa komong kaunlaran, tatanggapin ng Myanmar ang mas malaking pagkakataon ng pag-unlad.
salin:lele