Binuksan Oktubre 25 ng hapon, 2016 sa Hanoi, Biyetnam ang Mekong Conference ng World Economic Forum(WEF). Dumalo sa pagtitipon ang mga 200 personahe mula sa mga bansa sa Mekong Sub-region, na kinabibilangan ng mga lider ng estado, mangangalakal, at iskolar.
Ang tema ng nasabing kumperensiya ay: "Pagpapasulong ng Kaunlaran ng Mekong Sub-region: Pagpaparami ng Pamumuhunan sa Imprastruktura, Human Resources, at Konektibidad." Tatalakayin ng mga kalahok ang hinggil sa pag-unlad ng mga bansa sa Mekong Sub-region, at integrasyon ng rehiyong ito.