|
||||||||
|
||
Ayon sa Xinhua News Agency, sa "Global Information Technology 2016" na ipinalabas Biyernes, Hulyo 20, 2016, ng World Economic Forum (WEF), ang Singapore ay nananatili pa ring nasa unang puwesto sa "Networked Readiness Index," at ang bansang ito ay naging pinakamaunlad na ekonomiya sa daigdig sa pag-unlad ng Information at Communication Technology (ICT).
Ibinigay ng nasabing ulat ang ranking sa 139 na ekonomiya sa "Networked Readiness Index," at sinubok ang kanilang natamong progreso sa mga aspektong gaya ng pagpapabuti ng kapaligiran at pagpapasulong ng ebidensyang pangkabuhayan at panlipunan sa pamamagitan ng Information at Communication Technology (ICT).
Kumpara sa nagdaang taon, umakyat sa ika-59 na puwesto ang ranggo ng Tsina. Ipinalalagay ng ulat na ang mahalagang puwersang tagapagpasulong ng Tsina sa ICT ay malakas na pangangailangan ng mga mamimili sa mobile broadband services.
Ipinagdiinan din ng ulat na ang imprastruktura ay masusing elementong nagpapasiya ng "Networked Readiness Index" ng isang bansa. Ito ang paunang kondisyon sa pagpapalawak ng paggamit ng ICT, anito pa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |