Idinaos Oktubre 26, 2016 sa Hanoi, Biyetnam ang 7th Ayeyarwady-Chao Paraya-Mekong Economic Cooperation Summit (ACMECS) at 8th Summit ng Kambodya, Laos, Myanmar at Biyetnam.
Dumalo sa 7th ACMECS ang mga lider ng Association of South East Asian Nations (ASEAN), at mga kinatawan mula sa Asian Development Bank at World Bank Group, na kinabibilangan nina Punong Minsitrong Nguyen Xuan Phuc ng Biyetnam, Punong Ministrong Hun Sen ng Kambodya, Pangulong Htin Kyaw ng Myanmar, Punong Ministrong Thongloun Sisoulith ng Laos, Pangalawang Punong Ministrong Somkid Jatusripitak ng Thailand, Pangkalahatang Kalihim Le Luong-minh ng ASEAN, at iba pa. Pinagtibay sa naturang summit ang "Komunike ng Hanoi sa Pagsasakatuparan ng Kaunlaran at Kasaganaan ng Greater Mekong Sub-region." Ayon sa naturang komunike, umaasa ang mga kalahok na magkasamang magsisikap ang mga may-kinalamang bansa para matamo ang bagong kasiglaan, upang matugunan ang pangangailan sa kani-kanilang pagtatamo ng mabilis na kaunlarang panlipunan at pangkabuhayan.