Sa isang artikulong inilathala Hulyo 5, 2016 ng Nhan, Dan, pangunahing pahayagan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam(CPV), sinabi nitong ang paggagalugad ng Tsina ng likas-yamang tubig, kasama ng mga bansa sa kahabaan ng Lancang-Mekong River, ay nagpapakita ng katapatang pangkooperasyon mula sa Tsina.
Sinabi ng artikulo na mula noong Marso 15 hanggang Mayo 31, 2016, inihatid ng Tsina ang tubig tungo sa mababang bahagi ng Lancang Mekong River, para mapahupa ang tagtuyot na naganap sa rehiyong ito, dahil sa El-Nino Phenomenon. Nakinabang ang mahigit milyong mamamayan ng mga nasabing bansa mula rito, anito pa.
Ang pinagmumulan ng tubig ng Lancang-Mekong River ay nasa loob ng teritoryo ng Tsina, at dumadaan ito sa Myanmar, Laos, Thailand, Kambodya at Biyetnam.