|
||||||||
|
||
Nitong Biyernes, Oktubre 28, 2016, 14 na bansang kinabibilangan ng Tsina, ang naihalal bilang kasapi ng United Nations Human Rights Council (UNHRC). Ang termino nito ay mula taong 2017 hanggang taong 2019.
Bukod sa Tsina, kabilang sa mga naihalal na bansa ay ang Tunisia, Timog Aprika, Rwanda, Ehipto, Hapon, Iraq, Saudi Arabia, Hungary, Croatia, Cuba, Brazil, Estados Unidos, at Britanya.
Naitatag ang UNHRC noong Marso, 2006. Ito ay pangunahing human rights agency ng UN na may punong himpilan sa Geneva.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |