Sa kanyang talumpati kahapon, Marso 10, 2016, sa Ika-31 Pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), ipinahayag ni Fu Cong, charge d'affaires ng pirmihang delegasyong Tsino sa Geneva, na mariing tutulan ng panig Tsino ang walang batayang pagbatikos ng ilang bansang gaya ng Amerika at Hapon, sa kalagayan ng karapatang pantao ng Tsina.
Ipinagdiinan ni Fu na ang Tsina ay isang bansang pinangangasiwaan ng batas. Aniya, ang pagbibigay-dagok sa mga aksyong kriminal alinsunod sa batas ay soberanyang hudisyal ng Tsina.
Tinukoy pa niya na ang mga insidenteng gaya ng pang-aabuso sa mga bilanggo sa kulungan sa Guantanamo, pamamaril, isyu ng racism sa Amerika, pagsasagawa ng malawakang proyekto ng pagmomonitor sa ibang bansa, malaking human casualty ng dahil sa pagsasagawa ng pananalakay sa pamamagitan ng unmanned aerial vehicle, at panggagahasa at pagkitil ng buhay ng mga tropang Amerikano sa mga mamamayan ng ibang bansa, ay lubos na nagpapakita ng ginagawang kasamaan at "double standards" ng Amerika sa isyu ng karapatang pantao. Noong panahon ng World War II (WWII), puwersahang ginamit ng Japanese militarism ang napakaraming "comfort women" sa Asya. Ito aniya ay grabeng Crimes Against Humanity. Ngunit hanggang sa ngayon, hindi pa isinabalikat ng Pamahalaang Hapones ang may-kinalamang responsibilidad, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng