Pinagtibay kahapon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang ulat ng pagsusuri sa kalagayan ng karapatang pantao ng Amerika, na kalakip ng 346 na palagay at mungkahi na iniharap ng mahigit 100 bansa, mga organo ng UN, at Non-Governmental Organisations sa Amerika, hinggil sa pagpapabuti ng kalagayan ng karapatang pantao.
Ang naturang mga palagay at mungkahi ay nakatuon, pangunahin na, sa mga problema sa karapatang pantao ng Amerika na gaya ng labis na paggamit ng dahas sa pagpapatupad ng batas, pagtatangi sa lahi, relihiyon, at kasarian, torture, pagtatatag ng bilangguan sa Guantanamo, at iba pa.
Pagkaraang pagtibayin ang naturang ulat, ipinahayag ng kinatawang Amerikano na dahil sa napakalaking bilang ng mga palagay at mungkahi, pag-aaralan ng Amerika ang mga ito sa loob ng darating na ilang buwan. Dagdag niya, batay sa may kinalamang tadhana, ibibigay ng Amerika ang detalyadong reaksyon sa sesyong plenaryo ng UNHRC na idaraos sa Setyembre ng taong ito.
Salin: Liu Kai