Ipinahayag Sabado, Oktubre 29, 2016 ng panig pulisya ng Pakistan na naganap nang araw ring iyon sa Karachi ang isang insidente ng pag-atake na nagresulta sa pagkamatay ng di-kukulangin sa 5 katao at pagkasugat ng 6.
Ayon sa pahayag, ang naturang mga nasawi ay kinabibilangan ng isang babae at limang lalaki.
Pagkatapos ng insidente, agarang isinugod sa ospital ang 6 na nasugatan.
Bukod dito, binarikadahan ng panig pulisya ang lugar na piangyarihan ng pag-atake at hinahanap ang mga may kagagawan.
Sa kasalukuyan, wala pang anumang indibiduwal o organisasyon ang umako sa responsibilidad sa insidenteng ito.