|
||||||||
|
||
Bilang tugon, itinaas na ng Pakistan ang lebel ng pambansang seguridad.
Isang sundalong Pakistani na nagbabantay sa labas ng isang public park sa Lahore. Pinahigpit ng pamahalaan ang seguridad matapos ang pagsabog. (Xinhua/Irfan)
Inamin ng Jamaat-ul-Ahrar, tiwalag na grupo ng Tehrik-e-Taliban Pakistan (Movement of the Taliban in Pakistan) ang responsibilidad sa nasabing atake.
Ayon sa kanilang tagapagsalita na si Eshansullah Ehsan, nakatuon ang nasabing pagsabog laban sa mga Kristiyano habang ipinagdiriwang ang Linggo ng Pagkabuhay.
Ayon kay Haider Ashraf, Deputy Inspector General Police ng Pakistan, pinasabog ng suicide bomber ang kanyang sarili sa parking stand malapit sa swing area ng mga bata at ticket booth ng Gulshan-e-Iqbal Park sa Lahore, punong lunsod ng Punjab province.
Magkakahiwalay na ipinahayag ng iba't ibang panig ng komunidad ng daigdig ang matinding kondemnasyon sa madugong pangyayaring ito.
Nanawagan sina Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, at Mogens Lykketoft, Tagapangulo ng Pangkalahatang Asemblea ng UN na agarang arestuhin at patawan ng karapat-dapat na kaparusahan ang mga may-kagagawan.
Ipinahayag nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina ang kanilang kalungkutan at pakikidalamhati sa trahedyang ito, sa Pakistan.
Mga Pakistani habang lumalahok sa libing ng isang biktima ng pagsabog. (Xinhua/Jamil Ahmed)
Mga taong nagtitipun-tipon sa lugar na pinagsabugan sa Lahore. March 27, 2016. (Xinhua/Jamil Ahmed)
Isang lalaking Pakistani na umiiyak sa lugar na pinagsabugan sa Lahore. March 27, 2016. (Xinhua/Jamil Ahmed)
Mga Pakistani na umiiyak dahil sa pagkamatay ng kamag-anak sa labas ng isang ospital sa Lahore. March 27, 2016. (Xinhua/Sajjad)
Mga Pakistani habang nagluluksa sa labas ng isang ospital sa Lahore. March 27, 2016. (Xinhua/Sajjad)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |