Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga bagay na maaring hindi pa ninyo alam hinggil sa tag-lamig sa Tsina

(GMT+08:00) 2016-11-07 21:32:33       CRI

Kapag hinati-hati ang tradisyonal na lunar calendar ng Tsina sa isang taon, o sa 24 solar terms, ang pagsisimula ng tag-lamig (Chinese: 立冬), ay ang ika-19 na solar terms na nagsisimula sa Nobyembre 7 at natatapos sa Nobyembre 21.

Ang pagsisimula ng tag-lamig ay palatandaang dumating na ang tag-lamig at ang mga pagkain ay dapat imbakin.

Narito ang ilang bagay na maaring hindi pa ninyo alam hinggil sa tag-lamig sa Tsina

Pagsisimula ng tag-lamig

Dahil malaki ang teritoryo ng Tsina, mula sa araw na ito, unti-unting sasalubungin ng iba't ibang lugar ang tag-lamig. Pero sa dakong timog sa probinsyang Hainan, Guangdong at Yunan, baka hindi pa dumarating ang tunay na tag-lamig dahil ang mga ito ay nasa paligid ng lugar na tropikal.

Pagsulubong ng tag-lamig sa sinunang panahon

Noong sinaunang panahon, ang pagdating ng bagong season ay isang napakaimportanteng kapistahan. Bago magsimula ang tag-lamig, naliligo at gulay lamang ang kinakain ng hari. At sa araw na ito, kasama ng mga opisyal, pumupunta sa templo ang hari at idinaraos ang isang seremonya ng pagsalubong sa tag-lamig.

Pagkain ng dumpling

Ayon sa alamat, noong Eastern Han Dynasty(AD25-220), nagluto si Zhang Zhongjing, isang kilalamang doktor ng isang pagkaing hitsurang taynga. Ito'y nagpapabilis ng blood circulation at nagpapainit ng katawan. Hanggang sa kasalukuyan, naniniwala pa rin ang mga Tsino na, kung hindi kakain ang dumping sa araw ng pagsisimula ng tag-lamig, magyeyelo ang kanilang mga taynga.

Kapistahan ng Yifan ng Pambansang Minorya ng Mulam

Bawat ikatlo o ikalimang taon, idinaraos ang pambansang minorya ng Mulam na namumuhay sa probinsyang Guangxi ng Tsina ang kapistahan ng Yifan. Bilang pinakaimportenteng kapistahan ng lahing ito, ang mga aktibidad ay kinabibilangan ng pag-anyaya ng diyos, pagkakaloob ng sakripisyo, paghingi sa diyos na tanggapin ang sakripisyo, pagkanta para sa Diyos, pag-inom ng dugo ng manok at pagpapaalam sa diyos.

Pagpapakain

Sa araw ng pagsisimula ng tag-lamig, may isang kaugalian sa mga probinsya sa babaying dagat, tulad ng Guangdong at Taiwan. Upang maghanda para sa pagdating ng tag-lamig. Ang mga taga-lokalidad ay kakain ng mga pagkaing mataas sa calorie na kinabibilangan ng manok, baka, mutton, isda kasama ng mga herb medicine para madagdagan ang kanilang nutrisyon.

Pagkain ng pumpkin

Sa Tianjin, sa araw ng pagsisimula ng tag-lamig, ang mga tao ay kumakain ng dumpling na may Chinese pumpkin. Napakacommon nito sa hilagang Tsina at madaling imbakin

Pagkain ng tuanzi

Sa unang araw ng pagsisimula ng tag-lamig, ang mga taga-Wuxi ay kumakain ng tuanzi, isang tradisyonal na pagkain na yari ng kanin. Sa panahong ito, bagong ani ang bigas at ipinalalagay ng mga taga-Wuxi na ang bagong aning kanin ay pinakamasarap.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>