Bilang tugon sa sinabi kamakailan isang opisyal Amerikano, ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa ang Tsina na igagalang ng mga may kinalamang bansa ang pagsasarili ng Pilipinas.
Ipinahayag kamakailan ni Daniel Russel, Assistant Secretary of State ng Amerika na walang senyales na nagpapakitang umuurong si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa resulta ng arbitrasyon. Dagdag ni Russel, ang pagtalikod sa resulta ng nasabing arbitrasyon ay hindi angkop sa pundamental na interes ng Pilipinas.
Sinabi ni Lu na hindi niya narinig ang ganitong pananalita ni Pangulong Duterte. Aniya pa, sa halip na lider ng Pilipinas, ibang bansa ang nagtatangkang magpaliwanag sa paninindigan mismo ng Pilipinas. Ito ay napaka-interesante, aniya.
Sinabi ni Lu na ang sariling pananalita ng pangulo ng Pilipinas, ang makapagpapaliwanag ng sariling paninindigan at aksyong angkop sa pundamental at pangmalayuang interes ng kanyang bansa.
"Muli't muling ipinahayag ni Pangulong Duterte na ang Pilipinas ay isang soberanong bansa at may nagsasariling diplomatikong patakaran. Umaasa ang Tsina na igagalang ng iba pang bansa ang Pilipinas." Dagdag ni Lu.
salin:Lele