|
||||||||
|
||
Sina Hong Xiaoyong, Embahador ng Tsina sa Biyetnam (sa kaliwa) at Nguyen Thi Xuan Thu, Presidente ng RCSV
Sa ngalan ng Red Cross Society of China (RCSC), ipinagkaloob nitong Martes, Nobyembre 8, 2016, ng Embahadang Tsino sa Biyetnam ang 100 libong dolyares na emergency disaster aid sa Red Cross Society of Vietnam (RCSV) para tulungan ang mga apektadong lugar sa kalagitnaan ng Biyetnam na nasasadlak sa kalamidad at itayo muli ang kanilang lupang tinubuan.
Sa donation ceremony, sinabi ni Hong Xiaoyong, Embahador ng Tsina sa Biyetnam, sinabi niyang siya'y umaasa na mapapatingkad ng nasabing donasyon ang papel ng pagtulong para sa mga apektadong mamamayang Biyetnames.
Ipinahayag naman ni Nguyen Thi Xuan Thu, Presidente ng RCSV, ang pasasalamat sa pamahalaan at mga mamamayang Tsino. Aniya, ang ini-abuloy na pondo ng RCSC ay gagamitin sa pagtatayo ng halos 40 anti-flood house para sa mga apektadong mamamayan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |