|
||||||||
|
||
Sa panahon ng pangungulo ni Guo Shengkun, Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina, sa ika-5 Kumperensiya ng Ministri ng Pampublikong Seguridad ng Tsina at Biyetnam sa Magkasamang Pagbibigay-dagok sa Krimen na idinaos mula noong ika-23 hanggang ika-26 ng Setyembre, 2016, magkahiwalay siyang naka-usap nina Pangulong Tran Dai Quang at Punong Ministro Nguyen Xuan Phuc ng Biyetnam.
Sina Guo Shengkun (sa kaliwa) at Tran Dai Quang (sa kanan)
Ipinahayag ni Tran Dai Quang na ang Biyetnam at Tsina ay tradisyonal na mapagkaibigang kapitbansa, at mayroon silang malawak na komong kapakanan. Nakahanda aniya ang panig Biyetnames na magsikap, kasama ng panig Tsino, para mapasulong ang sustenable, malusog, at matatag na pag-unlad ng komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa. Ito ay nakakapagbigay ng positibong ambag para sa katatagan at kasaganaan ng rehiyong ito, dagdag niya.
Sina Guo Shengkun (sa kaliwa) at Nguyen Xuan Phuc (sa kanan)
Sinabi ni Nguyen Xuan Phuc na nakahanda ang kanyang bansa na igiit ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa. Patuloy aniyang palalalimin ang pagtitiwalaang pulitikal, at palalawakin ang pagmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangang gaya ng kabuhayan at kalakalan, kultura, at seguridad.
Ipinahayag naman ni Guo ang kahandaan ng panig Tsino na magsikap, kasama ng panig Biyetnames, upang ibayo pang mapasulong ang Komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |