Beijing — Pumunta nitong Miyerkules, Nobyembre 9, 2016, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa command center ng manned space program ng Tsina para makausap ang dalawang astronaut na nasa space lab ng Tiangong-2. Ipinaabot ni Pangulong Xi ang taos-pusong pangungumusta sa dalawang astronaut. Umaasa aniya siyang ipagpapatuloy nila ang kanilang pagsisikap at mahigpit na magtutulungan upang kasiya-siyang matapos ang kanilang susunod na tungkulin at makauwi nang matagumpay.
Napag-alamang mananatili ng 33 araw sa kalawakan ang nasabing dalawang astronaut na sina Jing Haipeng at Chen Dong. Sa panahong iyon, magsasagawa sila ng mga pagsubok at pananaliksik na siyentipiko. Ipinahayag ni Pangulong Xi ang kasiyahan dahil sa mainam na kalagayan ng dalawang astronaut.
Salin: Li Feng