|
||||||||
|
||
Pumunta nitong Huwebes, Nobyembre 10, 2016, si President-elect Donald Trump sa White House para kauna-unahang makipagkita kay kasaluykuyang Pangulong Barack Obama tungkol sa paglilipat ng kapangyarihan.
Sa isang news briefing pagkaraan ng nasabing pagtatagpo, sinabi ni Obama na malawak ang nilalaman ng pag-uusap nila ni Trump, at kabilang dito ang personnel issue, suliraning panloob, diplomasya, at iba pa. Aniya, kasalukuyang kinakaharap ng Amerika ang napakaraming hamon, kaya napakahalaga ng kooperasyon sa pagitan ng mga partido ng bansa.
Ipinahayag naman ni Trump ang pag-asang magpapatuloy ang pakikipagtagpo kay Obama sa hinaharap upang pakinggan ang mga mungkahi niya hinggil sa suliraning pang-estado.
Ipinahayag din ni Josh Earnest, Tagapagsalita ng White House, na kasalukuyang nagsisikap si Obama tungkol sa paglilipat ng kapangyarihan. Makakatrabaho aniya ni Obama si Trump upang maigarantiya ang pagkakaroon ng isang mainam na simula ng susunod na bagong pamahalaan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |