Miyerkules, ika-9 ng Nobyembre, 2016, nagpadala ng mensaheng pambati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay bagong halal na Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos.
Tinukoy ni Xi na bilang pinakamalaking umuunlad at maunlad na bansa at dalawang pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo, isinasabalikat ng Tsina at Amerika ang mahalagang responsibilidad sa aspekto ng pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng daigdig, at pagpapasulong sa kaunlaran at kasaganaan ng buong mundo. Malawak din aniya ang komong interes ng dalawang bansa. Dagdag ni Xi, ang pagpapaunlad ng pangmatagalan, malusog at matatag na relasyong Sino-Amerikano ay angkop sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at ito rin ang unibersal na pag-asa ng komunidad ng daigdig. Ani Xi, pinahahalagahan niya ang relasyong Sino-Amerikano, at inaasahan niya ang pagsisikap, kasama ni Pangulong Trump, para mapalawak ang kooperasyon sa iba't ibang larangan sa antas na bilateral, panrehiyon at pandaigdig. Umaasa rin si Xi na makokontrol ang alitan sa pamamagitan ng konstruktibong paraan, mapapasulong ang pagtatamo ng malaking progreso ng relasyon ng dalawang bansa, at makakapaghatid ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, maging ng buong daigdig.
Nagpadala rin ng mensaheng pambati si Pangalawang Pangulong Li Yuanchao ng Tsina sa kanyang bagong halal na counterpart na si Mike Pence.
Salin: Vera