|
||||||||
|
||
Sa isang panayam, sinabi nitong Sabado, Nobyembre 12, 2016, ni Salaheddine Mezouar, Presidente ng United Nation (UN) Climate Change Conference sa Marrakech, na sa pamamagitan ng mekanismo ng "South-South Cooperation," maaaring hanapin ng mga umuunlad na bansa ang kalutasan sa pagharap sa pagbabago ng klima. Umaasa aniya siyang magsisikap kasama ng Tsina, upang ibayo pang mapasigla ang nasabing kooperasyon.
Bilang Ministro ng Diplomasya at Kooperasyon ng Morocco, hinahangaan ni Mezouar ang Tsina sa pagbibigay-tulong sa mga umuunlad na bansa, partikular na ng mga bansang Aprikano, sa paghahanap ng landas ng sustenableng pag-unlad. Ipinalalagay aniyang niyang gumaganap ang Tsina ng "napakahalagang" papel.
Nakatakdang dumalo bukas, Nobyembre 14, si Mezouar sa "Mataas na Porum ng South-South Cooperation sa Pagharap sa Pagbabago ng Klima" na itinaguyod ng delegasyong Tsino. Tatalakayin dito nila ng mga kinatawan mula sa Tsina, Ethiopia, Iran, at iba pang mga bansa, hinggil sa pagharap sa pagbabago ng klima.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |