Marrakech — Binuksan nitong Lunes, Nobyembre 7, 2016, ang Ika-22 Pulong ng mga Signataryong Panig ng "United Nations (UN) Framework Convention on Climate Change (UNFCCC)" (Marrakech Climate Change Conference). Makaraang magkabisa ang "Paris Agreement," ito ang unang pulong ng UN tungkol sa pababago ng klima. Inaasahan ng iba't-ibang panig na ito ay magiging pulong na "magsasakatuparan ng mga aksyon," at magpapakita ng mithiin at determinasyon ng buong mundo sa magkakasamang pagharap sa climate change.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Patricia Espinosa, Kalihim na Tagapagpaganap ng Sekretaryat ng UNFCCC, na kinakaharap pa rin ang maraming problemang tulad ng pondo at teknika sa pagharap sa pagbabago ng klima sa daigdig. Ipagkakaloob aniya ng nasabing pulong ang pagkakataon upang maisakatuparan ang target at ambisyon ng "Paris Agreement."
Ayon sa kalahok mula sa delegasyong Tsino, bilang pinakamalaking umuunlad na bansa, magsisikap ang Tsina kasama ng iba't-ibang signataryong panig, upang magkaroon ng pinakamalaking komong palagay.
Salin: Li Feng