Sinabi kahapon, Martes, ika-8 ng Nobyembre 2016, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na gaganap ng positibo at konstruktibong papel ang panig Tsino, para maging matagumpay ang United Nations Climate Change Conference na idinaraos sa Marrakech, Morocco.
Ipinahayag din ni Lu ang pag-asang matatamo ng naturang pulong ang bunga sa mga aspekto ng pagbuo ng roadmap at timetable para sa talastasan hinggil sa mga konkretong hakbangin ng pagsasagawa ng Paris Climate Agreement, pagpapasigla ng iba't ibang panig sa pagpapatupad ng Intended Nationally Determined Contributions, pagpapalakas ng mga aksyon ng paglaban sa pagbabago ng klima bago ang taong 2020, at pagbibigay-tulong sa kakayahan ng mga umuunlad na bansa sa paglaban sa pagbabago ng klima.
Kalahok sa Marrakech Climate Conference ang delegasyong Tsino, na pinamumunuan nina Xie Zhenhua, Espesyal na Kinatawan ng Tsina sa Suliranin ng Pagbabago ng Klima, at Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas.
Salin: Liu Kai