|
||||||||
|
||
Dumadalo ang mga mamamayang Pranses sa seremonya ng pagdadalamhati
Nitong Linggo, Nobyembre 13, 2016, ay unang anibersaryo ng pagkaganap ng teroristikong atake sa Paris. Sa araw na ito noong isang taon, sinalakay ng mga terorista ang kalunsuran at kalapit na lugar sa Paris, at nangyari sa maraming bahagi ng bansa ang insidente ng pagbaril at pagsabog na ikinamatay ng di-kukulangin sa 130 katao. Upang makidalamhati sa mga biktima sa nasabing atake, idinaos ng panig opisyal ng Pransya ang isang serye ng seremonya ng pagdadalamhati.
Mula umaga ng araw ng Sabado, magkakasunod na pumunta si Pangulong François Hollande ng Pransya sa bawat ng inatakeng lugar noong Nobyembre 13, 2016, para magluksa nang tahimik. Batay sa kahilingan ng mga kamag-anakan ng biktima, napakasimple ng buong aktibidad ng paggunita. Walang ring binigkas na talumpati si Pangulong Hollande.
Dumadalo ang mga mamamayang Pranses sa seremonya ng pagdadalamhati
Bukod sa mga seremonya sa mga inatakeng lugar, pinamunuan noong tanghali sa araw na ito ni Hollande ang mga mamamayang Pranses na nagpalipad ng mga lobo bilang simbolo ng magkakasamang pagluluksa sa naturang 130 biktima sa atake.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |