|
||||||||
|
||
Niyanig gabi ng Linggo, Nobyembre 13, 2016 ng lindol ang New Zealand. Ipinahayag ni Punong Ministro John Key ng bansa na dalawa katao ang kumpirmadong namatay sa lindol na may magnitude na 7.5 sa Richter Scale, at may posibilidad na tumaas pa ang kasuwalti.
Ayon sa GeoNet monitoring service ng bansa, ang epicenter ay matatagpuan 15 kilometro sa hilaga-silangan ng Culverden, sa dakong silangan ng South Island ng New Zealand.
Inilabas ng Ministry of Civil Defence and Emergency Management (MCDEM) ang babala ng tsunami sa karamihang bahagi ng silangang baybayin ng bansa, pagkaraan ng inisyal na lindol. Hiniling din ng nasabing ministri sa mga residenteng lokal na lumipat sa mas mataas na lugar.
Ayon naman sa kapulisan, isinasagawa pa rin ang serbisyong pangkagipitan sa mga apektadong lugar.
Madalasang tinatamaan ng lindol ang New Zealand at walang dulot na kapinsalaan ang karamihan sa mga ito. Pero, ang kagaganap na lindol ay nagpaalala sa mga tao ng 6.3 magnitude na lindol sa Christchurch noong Pebrero, 2011 kung saan 185 katao ang namatay.
Salin/Edit: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |