Nakipagtagpo kahapon, Lunes, ika-19 ng Setyembre 2016, sa New York, si Premyer Li Keqiang ng Tsina, kay John Key, Punong Ministro ng New Zealand, kasalukuyang bansang tagapangulo ng United Nations Security Council.
Ipinahayag ng kapwa lider ang kahandaang pasulungin ang relasyon ng Tsina at New Zealand, at palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang aspekto.
Nagpalitan din sila ng palagay hinggil sa isyu ng Syria, isyung nuklear ng Korean Peninsula, at iba pang mainit na isyung pandaigdig.
Salin: Liu Kai