Idinaos Nobyembre 11, 2016, sa Yangon, Myanmar ang Symposium sa Pamumuhunan at Kalakalan ng Tsina at Myanmar. Dumalo sa pagtitipon sina Lv Xinhua, Puno ng Samahan ng South-South Cooperation ng Tsina, Mya Taik Lwin, Pangalawang Puno ng Samahang Industriyal at Komersyal ng Myanmar, at mga kinatawan mula sa mga bahay-kalakal ng dalawang bansa.
Ipinahayg ni Tin Shway, CEO ng naturang samahan ng Myanmar ang pag-asang magkakaroon ang bansa ng mas maraming pamumuhunan mula sa mga pondong dayuhan, sa imprastruktura, telekomunikasyon, enerhiya, koryente, agrikultura, at iba pang larangan.
Ayon sa estadistika mula sa Myanmar, mula noong 1988 hanggang Agosto, 2016, umabot sa 64.4 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng mga pondong dayuhan, na nagpapatakbo sa Myanmar, at umuna ang Tsina sa mga pinanggagalingan ng pamumuhunan sa naturang bansa.