Sa kanyang pagdalaw sa Hapon, ipinahayag ni Aung San Suu Kyi, State Counselor ng Myanmar na mainam ang relasyon ng mga pamahalaan ng kanyang bansa at Tsina. Tungkol dito, ipinahayag Lunes, Ika-8 Nobyembre, 2016, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Myanmar, para mapasulong ang patuloy na pag-unlad ng komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Dagdag ni Lu, kumakatig ang Tsina sa pakikipagpalitan ng Myanmar sa iba't ibang bansa ng daigdig, at umaasa rin ang Tsina na lilikha ang komunidad ng daigdig ng mabuting kapaligiran para sa pangmalayunan at matatag na pag-unlad ng Myanmar.
salin:lele