|
||||||||
|
||
Nitong Lunes, Nobyembre 14, 2016, sa unang news briefing na idinaos ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos pagkaraan ng pambansang halalan ng bansa, ipinagdiinan niya na sa pamamagitan ng pag-uusap nila ni Presidente-elect Doland Trump, nananalig siyang magpapatuloy ang patakarang diplomatiko ng Amerika.
Binigyang-diin ni Pangulong Obama na hindi pahihinain ng kanyang bansa ang nagawang pangako sa mga estratehikong kaalyado nito. Alam ng lahat, sa panahon ng pambansang halalan, minsa'y hiniling ni President-elect Trump sa mga kaalyadong bansa ng Amerika na pasanin ang overseas military expenditure nito, at nagbabala rin siyang dapat isabalikat ng mga kaalyadong bansa ang tungkulin ng sari-sariling garantiyang panseguridad. Makaraang magwagi si Trump sa halalan, lipos ng kawalang-kalinawan ang mga kaalyadong bansa ng Amerika sa hinaharap, at walang duda, ang sinabi ni Obama ay nakapagbigay ng kompiyansa para sa kanila.
Bukod dito, ipinalalagay ni Obama na magiging mainam na Presidente si Trump, at maari niyang pamunuan ang mga mamamayan sa pagpapasulong ng bansa. Kaya, nanawagan si Obama sa mga botanteng walang-kapasiyahan kay Trump, na dapat tanggapin ang resulta ng halalan. Buong sikap na isasaayos nang mainam ng White House ang gawain ng paglilipat, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |