Ipinahayag kahapon ng opisyal ng White House na ipapasiya ng susunod na pangulo at kongreso ang prospek ng "Trans-Pacific Partnership Agreement" (TPP).
Nang araw ring iyon, idinaos ng White House ang news briefing hinggil sa pagdalo ni Pangulong Barack Obama sa di-pormal na pulong ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation sa Peru. Kaugnay ng prospek ng TPP, ipinahayag ni Adewale Adeyemo, Deputy National Security Advisor ng White House na ipinahayag na ni Mitch McConnell, Senate Majority Leader na tatalakayin nila ng susunod na pangulo ang hinggil sa mga kasunduang pangkalakalan. Dagdag pa ni Adeyemo, ipinalalagay pa rin ng Pamahalaan ni Obama na may malaking katuturan ang TPP sa kabuhayan at seguridad ng bansa, at mahalaga ang pagpapanatili ng pag-uugnayan ng Amerika at Asia-Pasipiko.
salin:Lele