Nag-usap Nobyembre 16, 2016, sa Sardinia Island, Italya sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Matteo Renzi ng Italya.
Tinukoy ni Pangulong Xi na bilang matalik na mapagkaibigang katuwang sa Unyong Europeo, lubusang pinahahalagahan ng Tsina ang pakikipagtulungan sa Italya. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Italya para patibayin at palawakin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa, para bigyang-ginhawa ang mga mamamayan nito.
Ipinahayag ng Pangulong Tsino ang pag-asang pahihigpitin ang mataas na pagpapalitan ng dalawang bansa at ugnayan ng kani-kanilang pambansang estratehiyang pangkaunlaran, palalalimin ang pagpapalitan ng mga tauhan at kultura, at palalakasin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Punong Ministro Renzi na nananatiling mainam ang bilateral na relasyon ng Tsina at Italya. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na makisangkot sa konstruksyon ng "Belt and Road Initiative" na itinataguyod ng Tsina, at palalimin ang pakikipagtulungan sa Tsina sa kabuhayan, kalakalan, enerhiya, inobasyon, kultura, turismo, at iba pang larangan.