Kaugnay ng nagpapatuloy na sagupaan sa kahilagaan ng Myanmar, ipinahayag nitong Linggo, Nobyembre 20, 2016, ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na mahigpit na sinusubaybayan ng hukbong Tsino ang pag-unlad ng kaukulang insidente sa nasabing bansa. Umaasa itong mapapanatili ng dalawang nagsasagupaang panig ang pagtitimpi para maiwasan ang ibayo pang paglala ng situwasyon, pati na ang pagkapinsala sa seguridad ng soberanya ng panig Tsino.
Anito, kasalukuyang nasa mataas na alerto ang hukbong Tsino. Isinasagawa nito ang mga kinakailangang hakbangin para buong tatag na mapangalagaan ang kaligtasan ng soberanya ng bansa, at maigarantiya ang seguridad ng ari-arian at buhay ng mga sibilyang Tsino sa hanggahan ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng