Ipinahayag Nobyembre 20, 2016 ng pamahalaan ng Myanmar na inatake ng mga armadong grupong kinabibilangan ng Kachin Independence Army, mula sa mga pambansang minorya ng bansa, ang mga tropa ng pamahalaan sa Muse, lalawigang Shan. Ayon pa sa pahayag, isa ang patay at anim na iba pa ang sugatan.
Ayon naman sa local media, mga 10 katao ang kabilang sa mga kasuwalti.
Samantala, isiniwalat ng isang opisyal sa lokalidad na ang naturang mga kasuwalti ay kinabibilangan ng mga sundalo, pulis, residente sa lokalidad at turista. Patuloy ang putukan hanggang kahapon ng hapon, dagdag pa niya.