Lima, kabisera ng Peru--Binuksan Linggo, Nobyembre 20, 2016, ang Ika-24 na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting.
Batay sa temang Dekalidad na Paglaki at Pag-unlad na Pantao (Quality Growth and Human Development), nakatakdang magtalakayan ang mga kalahok na lider hinggil sa integrasyong panrehiyon, pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Asya-Pasipiko, konektibidad at kooperasyong panserbisyo.
Bago ang nasabing pulong, nagtagpo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Nangako ang dalawang pangulo na ibayo pang pasusulungin ang relasyon ng dalawang bansa, bilang pagpapatupad sa mga natamong bunga ng biyahe ni Pangulong Duterte sa Tsina Oktubre 18-21, 2016.
Ang taunang APEC Economic Leaders' Meeting ay nagsimula noong 1993 sa Seattle, Estados Unidos. Ito ay ang pulong ng APEC na may pinakamataas lebel.
Salin/Edit: Jade
Pulido: Rhio