|
||||||||
|
||
Lima — Nakausap nitong Sabado, Nobyembre 19, 2016 (local time), sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders' Meeting, ni Pangulong Xi Jinping ang kanyang Philippine counterpart na si Rodrigo Duterte. Sinang-ayunan ng dalawang lider na ibayo pang pasulungin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa para matamo ang mas maraming bunga ng kanilang kooperasyon.
Binigyang-papuri ni Pangulong Xi ang ginawang state visit ni Pangulong Duterte sa Tsina noong isang buwan. Aniya, natamo ng biyaheng ito ang malaking bunga para sa relasyong Sino-Pilipino, at nakapagbigay ito ng positibong enerhiya sa kapayapaan at katatagang panrehiyon.
Sinabi ni Pangulong Xi na dapat hawakan ng dalawang bansa ang kanilang relasyon sa tumpak na direksyon. Dapat din aniyang pasulungin ng Tsina at Pilipinas ang kooperasyon at mainam na isaayos ang kanilang pagkakaiba upang ibayo pang isulong ang good-neighborly friendship ng dalawang bansa at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa kanilang mga mamamayan.
Lubos namang pinapurihan ni Pangulong Duterte ang kanyang matagumpay na biyahe sa Tsina noong isang buwan. Aniya, natamo ng kanyang biyahe ang mayamang bunga.
Ani Duterte, iginigiit ng Pilipinas ang nagsasariling patakarang panlabas. Nakahanda ang Pilipinas na magpakailanma'y maging mabuting kaibigan ng Tsina, aniya.
Ipinahayag din ni Pangulong Duterte ang pasasalamat sa ibinibigay na tulong ng Tsina sa pag-unlad ng kanyang bansa. Inaasahan niyang mapapalakas ang kooperasyong Pilipino-Sino sa iba't-ibang larangang kinabibilangan ng konstruksyon ng imprastruktura, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |