Ayon sa impormasyong inilabas nitong Linggo ng gabi, Nobyembre 20, 2016, ng pamahalaan ng Myanmar, ang sagupaang militar na naganap sa araw na ito sa kahilagaan ng bansa, ay ikinamatay na ng 8 katao at ikinasugat ng 29 iba pa.
Sa isang pahayag na ipinalabas nang araw ring iyon ng Embahadang Tsino sa Myanmar, nanawagan ito sa iba't-ibang nagsasagupaang panig na magtimpi at magsagawa ang aktuwal at mabisang hakbangin upang mapanumbalik ang katahimikan sa purok-hanggahan ng Tsina at Myanmar sa pinakamadaling panahon.
Salin: Li Feng