Ayon sa impormasyon ng Departamentong Meteorolohikal ng Hapon, noong umaga ng Martes, ika-22 ng Nobyembre 2016, niyanig ng lindol na may lakas na 7.4 sa Richter Scale ang rehiyong pandagat sa paligid ng Fukushima. Walang kasuwalti ang naulat, pero, 2 katao sa Fukujima ang sugatan.
Nakita ang tsunami na may taas ng 0.3 metro hanggang 1.4 metro sa Soma Port at Onahama Port ng Fukushima. Ipinalabas na ng Departamentong Meteorolohikal ng Hapon ang tsunami alert, na posibleng may tsunami na may taas na 1 metro hanggang 3 metro sa Fukujima, Miyagi at Iwate.
salin: Lele