Santiago, Chile--Sa kanyang pagdalaw sa Chile, kinatagpo Martes, Nobyembre 22, 2016, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ni Verónica Michelle Bachelet Jeria, Pangulo ng Chile. Sa kanilang pag-uusap, sinang-ayunan nilang patataasin ang relasyon ng dalawang bansa sa komprehensibong estratehikong partnership.
Binigyan-diin ni Xi na nakahanda ang Tsina na palakasin ang relasyon ng dalawang bansa, pabutihin ang konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan, palawakin ang kooperasyon at pamumuhunan, palakasin ang kooperasyon sa inobasyon ng syensiya at teknolohiya, at pahigpitin ang koordinasyon ng estratehiya. Kumakatig ang Tsina sa paglahok ng mga bahay-kalakal na Tsino sa konstruksyon ng imprastruktura at malinis na enerhiya. Dapat pahigpitin ng dalawang panig ang koordinasyon sa multilateral na organisasyon.
Ipinahayag naman ni Bachelet na nakahanda ang Chile na palalimin ang kooperasyon nila ng Tsina sa iba't ibang larangan, at palawakin ito sa mas maraming bagong larangan. Winiwelkam ng Chile ang pagpapalaki ng pagmumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino, at nakahandang lumahok sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) sa lalong madaling panahon.
salin:Le