Ang Ecuador ay naging unang hinto ng biyahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Latin-Amerika. Sa isang panayam kamakailan, ipinahayag ni Pangulong Rafael Correa ng Ecuador, na ibayo pang pasusulungin ng nasabing biyahe ni Xi ang relasyon ng dalawang bansa. Inaasahan aniya ng Ecuador na ibayo pang mapapalalim ang estratehikong partnership sa Tsina at mapapataas ang relasyon ng dalawang bansa sa mas mataas na lebel.
Ipinagdiinan din niya na gumaganap ang Tsina ng napakahalagang papel sa mga suliraning pandaigdig. Ang pagpapaunlad ng mapagkaibigang relasyong sa Tsina ay angkop sa pundamental na kapakanan ng Ecuador, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng