Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino, nagpadala ng mensahe ng pakikidalamhati sa pagpanaw ni Fidel Castro

(GMT+08:00) 2016-11-27 15:21:21       CRI

Sa ngalan ng partido, pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinadala sa Cuba nitong Sabado, Nobyembre 26, 2016, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, ang mensahe ng pakikidalamhati kay Raul Castro, Unang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Cuba at Pangulo ng Council of State at Council of Ministers ng bansa. Ipinahayag ni Xi ang lubusang pakikidalamhati sa pagpanaw ng Cuban revolutionary leader na si Fidel Castro at ipinaabot ang taos-pusong pakikiramay sa kanyang kamag-anakan.

Sa mensahe, sinabi ni Xi na si Fidel Castro ay tagapagtatag ng Partido Komunista ng Cuba at usaping sosyalista ng bansa, at siya ang dakilang lider ng mga mamamayang Cuban. Aniya, ibinuhos ni Fidel Castro ang kanyang buong buhay sa dakilang usapin ng paghahanap ng liberasyon ng mga mamamayang Cuban, pangangalaga sa soberanya ng bansa, at konstruksyon ng sosyalismo. Ang mga ito ay nakalikha ng di-makakalimutang historikal na ambag, aniya pa.

Ipinagdiinan din ni Pangulong Xi na noong buhay pa si Castro, puspusan siyang nagsikap para sa pagkakaibigang Sino-Cuban. Dagdag pa ni Xi, nitong 56 na taong nakalipas, sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Cuba, malaking umunlad ang relasyon ng dalawang bansa, at ito ay hindi maihihiwalay sa pagsisikap ni Castro. Si Fidel Castro ay "great figure of our times," at magpakailanma'y aalalahanin siya ng kasaysayan at mga mamamayan, dagdag pa ni Xi.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>