Nag-usap Sabado ng hapon, September 24, local time, sa Havana, Cuba, sina Li Keqiang, dumadalaw na Premyer ng Tsina, at Raul Castro, Pangulo ng Konseho ng Estado at Konseho ng mga Ministro ng Cuba.
Ipinahayag ni Li, na nitong 56 na taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Cuba, walang humpay na umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa. Hindi magbabago aniya ang paggigiit ng Tsina sa pagkakaibigan ng dalawang bansa, pagkatig sa landas ng pag-unlad ng Cuba, at pagpapasulong ng bilateral na kooperasyon. Ipinahayag din ni Li ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Cuba, na palakasin ang kooperasyong pangkaunlaran, palawakin ang bilateral na kalakalan at pamumuhunan, at pasulungin ang pagpapalitan ng mga mamamayan.
Ipinahayag naman ni Castro ang kahandaang pahigpitin ang pagpapalagayan sa mataas na antas ng Cuba at Tsina, palakasin ang pragmatikong kooperasyon, at palawakin ang pagpapalitang pang-edukasyon. Dagdag niya, dapat palakasin ng dalawang bansa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa mga suliraning pandaigdig, para pangalagaan ang komong interes ng mga umuunlad na bansa.
Salin: Liu Kai