Mula ika-24 hanggang ika-26 ng buwang ito, dumalaw sa Laos si Nguyen Phu Trọng, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam.
Sa pagtatagpo nina Nguyen Phu Trọng at Boungnang Vorachith, Pangkalahatang Kalihim ng Lao People's Revolutionary Party at Pangulo ng Laos, tinalakay ng dalawang lider ang hinggil sa plano ng pagpapataas ng relasyon ng Biyetnam at Laos sa bagong lebel, sa loob ng darating na ilang taon. Binigyan-diin din nila ang pagpapalakas ng kooperasyon ng dalawang bansa sa tanggulang bansa at seguridad.
Sinaksihan ng dalawang lider ang paglalagda sa ilang dokumentong pangkooperasyon ng Biyetnam at Laos, na kinabibilangan ng Memorandum of Understanding hinggil sa konstruksyon ng lansangan sa pagitan ng mga kabisera ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai