Ipinahayag ng mga lider ng Biyetnam at Singapore na patuloy na palalalimin ang kooperasyon at patatatagin ang mainam na bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Mula ika-26 hanggang ika-30 ng Agosto, 2016, isinagawa ni Pangulong Tran Dai Quang ng Biyetnam ang dalaw pang-estado sa Singapore. At magkahiwalay na nakipagtagpo siya kina Pangulong Tony Tan Keng Yan at Punong Ministro Lee Hsien Loong ng bansang ito.
Ayon sa pahayag ng Ministring Panlabas ng Singapore, ikinagagalak ng mga lider ng dalawang bansa ang masagana at mabilis na pag-unlad ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Sinang-ayunan nila na pahihigpitin ang pagpapalagayan ng mga opisyal at mamamayan ng dalawang bansa at pasusulungin ang mga aktuwal na koopersyon sa iba't ibang larangan.