Nakipagtagpo kahapon, Lunes, ika-28 ng Nobyembre 2016, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kay Antonio Guterres, bagong halal na Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN).
Ipinahayag ni Xi ang pagbati kay Guterres sa kanyang pagiging susunod na Pangkalahatang Kalihim ng UN, at binigyang-diin ang pagkatig ng Tsina sa kanyang mga gawain. Tinukoy ni Xi, na hindi mahahalinhan ang papel ng UN sa pagharap sa mga hamong pandaigdig, at positibo siya sa pinatitingkad na papel ng UN para isakatuparan ang pangkalahatang kapayapaan at sustenableng pag-unlad ng daigdig. Sinabi rin niyang mabunga ang mga isinagawang kooperasyon ng Tsina at UN, at patuloy na lalahok at kakatig ang Tsina sa iba't ibang usapin nito.
Pinasalamatan naman ni Guterres ang Tsina sa pagkatig sa kanya at sa UN. Positibo rin siya sa paglahok ng Tsina sa mga usapin ng UN at multilateralismo. Nakahanda aniya ang UN na mas mahigpit na makipagtulungan sa Tsina, para sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng daigdig.
Nang araw ring iyon, nakipag-usap din kay Guterres sina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado at Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina. Tinalakay nila ang hinggil sa mga konkretong kooperasyon ng Tsina at UN.
Salin: Liu Kai