Pumunta Martes, Nobyembre 29, 2016, si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, sa Embahada ng Cuba sa Tsina para makidalamhati sa yumaong Cuban revolutionary leader na si Fidel Castro.
Tinukoy ni Pangulong Xi na si Ginoong Fidel Castro ay tagapagtatag ng Partido Komunista ng Cuba at usaping sosyalista ng bansa. Siya rin aniya ay dakilang lider ng mga mamamayang Cuban. Sa ilalim ng matatag na pamumuno ni Raul Castro, Unang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Cuba at Pangulo ng Council of State at Council of Ministers ng bansa, nananalig siyang walang humpay na matatamo ng partido, pamahalaan, at mga mamamayan nito ang mga bagong progreso sa konstruksyong pang-estado at usapin ng pag-unlad ng sosyalismo ng bansa, dagdag pa niya.
Sa naglan ng partido, pamahalaan, at Pangulong Raul Castro, ipinahayag naman ni Ramirez, Embahador ng Cuba sa Tsina, ang taos-pusong pasasalamat sa pakikidalamhati ni Pangulong Xi. Ito aniya ay muling nagpapakita ng mapagkaibigang damdamin sa pagitan ng mga partido, pamahalaan, at mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng