|
||||||||
|
||
Sa ngalan ng pamahalaan, mga mamamayan, at kanyang sarili, ipinadala sa Cuba nitong Sabado, Nobyembre 26, 2016, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mensahe ng pakikidalamhati kay Raul Castro, Pangulo ng Council of State at Council of Ministers ng Cuba. Ipinahayag ni Li ang kanyang lubusang pakikidalamhati sa pagpanaw ni Cuban revolutionary leader na si Fidel Castro, at ipinaabot ang taos-pusong pakikiramay sa pamahalaan, mga mamamayang Cuban, at kanyang kamag-anakan.
Sa mensahe, ipinahayag ni Premyer Li na ibinuhos ni Fidel Castro ang kanyang buong buhay para sa liberasyon ng nasyon at usapin ng pag-unlad ng bansa. Aniya, siya rin ay tagapagtatag, tagapagtanggol, at tagapagpasulong sa relasyong Sino-Cuban, at nakapagbigay siya ng napakalaking ambag para sa relasyong ito.
Ipinahayag pa ni Li na sa mula't mula pa'y pinahahalagahan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino ang pagkakaibigang Sino-Cuban. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng Cuba, para mapasulong pa ang relasyong Sino-Cuban at makapaghatid ng mas malaking benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |