Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nawala kamakailan ang limang (5) mangingisdang Pinoy sa karagatan ng Huangyan Island.
Kaugnay nito, ipinahayag Martes, Nobyembre 29, 2016, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang pangyayaring ito. Isinaayos na aniya ang paghahanap sa kanila sa kaukulang karagatan. Hanggang sa kasalukuyan, dalawang mangingisdang Pinoy ang nailigtas na ng panig Tsino, at sinisiyasat ang kanilang identidad. Ipagpapatuloy ng panig Tsino ang search at rescue operation sa kaukulang karagatan, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng